1.14.2008

...ayoko sa ulan


Puyat, galing sa gimik

Kailangang gumising, bawal manahimik

Opisina'y naghihintay, tambak ang trabaho

kailangan maligo, bawal mabaho



Late ng tatlong minuto

Kaltas sa mumunting sweldo

umaga pa lang badtrip na

umagang sira, may sasama pa ba.?



Hinihintay ang alas Singko y' medya

ala una pa gusto nang rumatsada

kakapagod ito...

nakakairita...



Sa wakas... oras na para umuwi

Said na ang utak, gusto ng magmadali.

Pag "shut down" ng computer lilipad na

unan, kama at masarap na hapunan akin nang nadarama



Ulan... isang malakas na ulan

Walang jeep o kahit taxi man lang

lahat ng gustong gawin cancelado

kailangan pang maghintay hanggan tumila ito.



Alas syete na, nasa opisina pa ako.

Dahil lang lahat sa ulan na to.

Gutom, inaantok at walang maisip na matino.

Ngayon sabihin mo sinong may gusto ng ganito?







So tired and annoyed right now. Sobra...!!!!!!!


Like to thank Sol Dust Love and Bitprocessor for the photos.

No comments: