4.21.2008

Lasing story

Sa bote ng beer
Dun tayo nagkakaisa
samot saring mga kwento
hinahabi at ini-isa
nawawala ang hiya
lumalakas ang tawa
nalilimutan ang problema
Beer nga ay nagpapaiba

Sa tagal-tagal ng magkakasama
kwento di pa naiiba
pauli-ulit na lang ang linya
sa ibabaw ng bote ipinagsasama

kung makatulog man sa mesa
hahayaan kita
kung sumuka man at mag wala
tayo'y magkasama

mamula na ang kutis
makalimutan na ang pangalan
kahit di na umimik
basta't mag ambag lang pang pulutan

sa mundo nang mga lasing
tayo ang bida
marami man ang hilo
hayaan na lang natin sila
sa araw na ito wala tayong problema
Napawi ng pagkalasing
lahat ng ating dinarama

At kung bukas bumalik pa siya
Isang bote lang katapat niya
lilipad uli tayo at magsasaya
sa mundong tayo ang may gawa.

No comments: