5.19.2008

Lonely Boy: Series 1


Na gising ako sa inggay ng lugar na ito. Maputik, marumi, di ka-ayaaya, masikip at maalinsanggan. Diko gusto ang aking nakita ngunit wala na akong ibang mapuntahan. Andito na rin lang nga ako, bakit di kaya kalkalin na lang ang kapaligiran. Baka sakaling sa paghahalukay ko ng mga basura na nasa aking harapan ay may makita akong maari kong pagkakitaan.

Matapos ang ilang oras na pagbabanat ng buto tigang na aking lalamunan. Kailangan ko ng maiinom at konting pantawid gutom. Isang basong tubig mula sa tindahan ni... hindi ko naitanong ang pangalan ni Ale OK na ako. Nakiupo ako sa isang papag at naki-nuod ng TV sa isang tindahan. Yun TV ba, yun bang isang box na may mga taong gumagalaw sa loob. May nagsasalita tungkol sa isang nakawan daw sa RCBC. At isang patalastas na paulit-ulit na pinapalabas. Isang pelikula sabi ng mamang bumibili. Nde ako magaling sa english kasi nga naman my Pavorit subject is Tagalog o Pilipino ba yun, basta yung madali lang pero dahil paulit-ulit na nga ang commecial na yun naisipan kong e-memorya ang isang Englesh na linya doon na sinabi ng isang maghihingalong matandang amerikano. Alam ko engles un kasi amerikano ang nagsalita



“Samdi, wen yo lest expec it, samone wil cam into yorlife and mik yo feel less lonli”



Ipagtatanong ko ano ang ibig sabihin nito. Para naman may kahit katiting akong alam na engles.

LB: Ate pwede magtanong?
Ate: Ano?
LB:“Samdi,k wen yo lest expec it, samone wil cam into yorlife and mik yo feel less lonli” ano po ibig sabihin non?
Ate: Aba ewan ko!


LB:Kuya pwede magtanong? Ano po ba ibig sabihin nang: “Samdi,k wen yo lest expec it, samone wil cam into yorlife and mik yo feel less lonli”
Kuya: Ano ba yan?
LB: English daw po!
Kuya: Ewan ko!




Ganon nga ang maging tugon ng lahat ng napagtanonggan ko. Hindi rin pala sila bihasa sa english gaya ko. Umuwi ako na hindi alam kung ano nga talaga ang ibig sabihin ng mga katagang yun. Gumagabi na at medyo pagod na ako sa buong hapon kong paglalagalag. Sa matigas na papag at maingay na electric fan ako mahihimlay. Walang magandang nangyari sa akin sa araw na ito maliban sa isang mahabang engles na pinaghirapan kong e-memorya pero di ko alam ano ang ibig ipahiwatig. Matutulog nalang nga ako. Doon ko papangarapin na sana may dumating na swerte sa akin. Kahit wala ng yaman o karangalan. Basta lang maging masaya ako... Kahit kunting saya lang.





“Someday, when you least expect it, someone will come into your life and make you feel less lonely”



From the movie: Caregiver

No comments: