6.12.2008

Happy Kalayaan Day


Sa araw na ito, Isang daan at sampung taon na tayong malaya. Minsan nakakalimutan natin ipagdiwang ang kahalagahan ng pagiging demokratiko at malayang bansa. Minsan naman nagiging balasubas tayo sa pagpapahayag ng ating pagiging malaya.

Karamihan, kadalasan mas mahalaga pa sa atin ang araw ng mga puso at iba pang ka cornyhan na pwede nating isipin. Maari nating maging dahilan ang pagiging PERSONAL in nature ng mga nakagawiang pagdiriwang na ito. Pero di ba PERSONAL sa atin ang pagiging Pilipino? Di ba ito ang ating pagka tao? Diba ito tayo?

Maligayang Araw ng KALAYAAN!


photo credits: vancouver with love

No comments: