7.31.2008

Let Me Explain

SA sorbrang busy sa new sideline and hectic schedule hindi na ako nakapag-update ng blog ko. Ironically ngayon pa ako hindi makapagsulat ng maayos na up and running na ang aking internet connection sa bahay. Kung dati panakaw lang akong nagsusulat sa office ngayon pwede na ako anytime mag-online kahit weekends pa.


NA-ubos na nga siguro ang aking inspiration at talasalitaan dahil sa pagsusulat ng promotional article and reviews para sa isang tattoo removal cream. Halos lahat na siguro ng Tattoo sa mundo ay nabura ko na at kulang na lang ay pati nunal ni Gloria sa pisngi ay ipabura ko na rin. At least man lang may mabago.


Ang daming gustong gawin, ang ikli ng oras. Ayaw ko rin na humaba pa ang 24hours a day ko kasi pag naging 28 hours siya ganun din ka haba ang trabaho ko. Pero atleast man lang anoh?!? Tumaas din ang oras ng papayagpag ko sa aking sideline. More time means more money. Ah! Ewan… hindi ako makapag-isip ng maayos, di ako makapas-sulat ng mabuti. Kung tattoo removal lang sana itong topic ko e-deh ang dali lang sana.


Gumimik nga pala ang college barkada ko at ang yours truly kasi birthday ni jenny at pa-alis papuntang Dubai si Tine2. Nag recreo kami. Pumalpak nga lang kasi wala kaming cash na dala at sira ang validation machine for credit card nila. Sa susunod na entry promise mas detailed ang discussion ko about this event but for now this is all it. Mag-susulat pa ako and I entend to save my remaining energy for the blog na hopefully ay magpapayaman sa akin. See you soon.

No comments: