7.03.2008

on leave

On leave ako next week kaya tambak ang kailangan kong tapusin. May mga forms flow charts, Inventory, weekly reports, monthly reports for May and June na hindi ko pa ginagalaw dahil ang gulo ng mga amounts at iba pang dapat ayusin. Pinili ko ang July 8 bilang simula ng leave ko kasi 6 ang cut-off ng payroll at isa pa yun sa mga kailangan kong tapusin. Kainis! kulang nalang ako ang mag mop ng sahig at mag linis ng mga bintana bilang parusa sa isang linggong leave na ito.

Ang tanong ng karamihan? Bakit daw ako mag leleave?

___________________________________
Scene 1:

Bert: Magleleave ka adz?
me: Yupz
Bert: Y?
me: Vacation?
Bert: Sosyal! dami kana pala pera now?
me: Yupz! ako pa?!?
Bert: out of town?
Me: Nope! out of the countryS! ( pansinin ang S)
Bert: ATIK!?(Joke!)
me: Seryoso!
Bert: san?
me: Singapore and Hongkong. May promo ang PAL. Grab the oPOORtunity. Anong silbi ng CREDIT CARD?

Si bert ay Teller sa bank na kabarkada at kaklase ko sa college. Paniwalang-paniwala siya kasi supporting actor ko si Allan.
______________________________

Scene 2

Officemate1: Seryoso ka sa leave mo?
Me: 100%
Officemate1: why?
Me: naghahanap ng mas berdeng damoooooohan.
Officemate1: Pag xure oi!
Me: Seryoso. Bantayan mo! resignation na sunod nito.
Officemate1: san mo plano mag lipat?
Me: Abroad!
Officemate1: Specific!
Me: Basta doon!
Officemate1: Saan nga?
Me: Basta!
Officemate1: Alam ko na! Asian country diba?
Me: Medyo
Officemate1: Magtuturo ka nang ENGLISH?
Me: (sinakyan ang hirit ng baliw) YUPz! how did you know?
Officemate1: Ah....! Alam ko na!
Me: Sige nga.......... Tell me!
Officemate1: Sa INDIA ka pupunta! doon ka magteteach ng english!
Me: Ewan kung san mo nakuha ang Idea mo...! (with smile na parang guilty)

Hanggang ngayon nalilito pa siya sa tunay na kadahilanan nang leave na ito.
_______________________________________

scene 3

Me: (Speaking in a large crowd with my usual big voice) Plans next week guyz?
Friend 1: Work ka.... Duty kami....
Me: On leave ako for a week.... So any plans?
Friend 1: Seryoso?! on leave ka? with pay?
Me: with out pay... kaya kong mabuhay ng walang sahod!
Friend 1: Gago ka! pano na ang beer? ang pulutan? e-retrak mo yun?
Me: anong re-trak? UloL!
Friend 1: e-cancel mo ang leave mo!
Me: ayowkoooooo!
Friend 1:
Gago ka! ano naman ang gagawin mo sa buhay mo sa loob ng isang linggo?
Me: REST! i need it....
Friend 1: Rest in peace gusto mo? pag naubos pera mo wag kang uutang sa amin.
Me: Mei uutangin ba ako sa inyo?
Friend 1: (silence)
Me: See!
Friend 1: Ah..... basta! mali yan!
Me: So? ano ang gusto mong gawin ko?
Friend 1: Wala!
Me:
Wala naman akong gagawin sa opis eh... leave nalang...
Friend 1: mas lalo kang di dapat mag leave! wala ka naman palang ginagawa kundi mga blog sa opis nyo at mga friendster.
Me: (Guilty look.....) kung sabagay... pero mali parin!
Friend 1: Anong mali doon?
Me: I am paid a premier salary. I should give a premium performance in my Job. Don't you get it?
Friend 1: Premium!? Anmun! Sustagen! Lactum! Ewan ko sayo....!

Until now di parin nila maintindihan bakit ko gustong mag leave.
________________________________

Malabo ba ang aking gustong mangyari at ang mga kadahilanang binigay ko bakit gusto kong mag leave? Consistent naman ang reasons diba? Magulo lang ang presentation. Buti pa si mama.
_______________________________

Scene 4

Mama: Mag-leave ka?
Me: Yupz, July 8 to 13
Mama: Ngano? (why?)
Me: Kapoy mata ug sayo... (kakapagod gumising ng maaga)
Mama: Mao... (Right!)
Me: Ok lang?!?
Mama: Bahala ka! Pag resign na lang! (bahala ka! mag resign ka na lang!)

See!? suffortive si mamang.
__________________________________

2 comments:

reyna elena said...

ano yun? hahaha mid-life crisis? hahaha! wag mong gayahin ang pag-resign ko! hehehe!

aDz said...

ang aga ko namang mag mid-life crisis... anong crisis naman ang mapapasa-akin if nasa mid life na ako?hehehe

napag-tripan ko lang gawan ng issue ang pag-leleave ko. Wala pa naman akong balak mag resign as of now. Cguro next week after the leave maisipan ko yun.hehehhe