9.25.2008

Spaghetti and Monggo

Alam ko mababaw ang entry na ito. Anong entry ko ba ang may sense? Sagot ko? WALA! Pero sa lahat ng entry ko, ito na siguro ang pinaka walang sense. Wala itong sense of direction, walang humor, wala kang matututunan at higit sa lahat di pinag-isipan. Nag-ugat lang kasi to sa WALA lang, ano pa ba ang ee-expect mo kung di wala rin.

Bakit spaghetti and monggo ang pamagat ng entry na ito? kasi pareho ko silang paborito. OO, in comparison alam ko masyadong pinoy ang monggo, ginataan man or simpleng luto ni nanay wala itong panlaban sa SPAGHETTI ni Mcdo or Jolibee na favorite ng mga kids. Pero paborito ko ang MONGGO, mababaw lang kasi akong tao. Bahala ang arthritis at iba pang sakit na makukuha sa sobrang pagkain ng monggo basta paborito ko ito. Sabi nga ng isang ka-klase ko nang minsan ipagkalat ko ang kakaibang pagmamahal ko sa ano mang uri ng pagkakaluto ng monggo “pag naluto ang nanay ng monggo dadalhan kita”. To think piso na lang ang pamasahe PLUTO na ang bahay nila, kapit bahay ng URANUS at SATURN.

Sa working place ko now, sa STARBOKS na kinakainan nami, favorite ko rin ang monggo na papakin tuwing lunch time. Pag nagluto sila ng favorite ko automatikong naka reserve na sa akin ang isang order. Halos every after a day may luto silang monggo hanggang sa nagsawa na ako. Nag request ako na wag na akong e-reserve. Nag-diet din ako kasi ng tumaba na ako. Yun, spaghetti na lang ang kina-kain ko tuwing lunch.

Makalipas ang ilang araw, na miss ko na ang MONGGO. Nakasanayan ko na kasi ito. Hinahanap nang panlasa at dila ko. Kulang ang araw na hindi ko siya kasama. Kaninang lunch kinain ko ang isang order na MONGGO sa starboks. Na miss ko nga siya.

Alam ko sabi ko sa simula ng entry na to na wala itong saysay. Pero gusto ko lang e-share ang mga na realize ko after today.

  1. May mga bagay na hindi dapat kalimutan o biglaang tangalin sa sistema ng ating buhay. Siguro dahil napamahal na sa atin ang mga ito o kaya e alam nating mali pero nakasanayan na o di kaya naman dahil sa simpleng kadahilanan na ito tayo. Ako, gusto ko ang monggong kinakain ko. Weird man siya sa iba na mas gusto ko ang monggo compared sa spaghetti pero sa kaloob-looban ko, alam ko ito ang gusto ko.

  1. May mga bagay na kailangang bitawan, trade-off ang tawag dito ng mga ekonomista. Kakain ng monggo o spaghetti? Sasama o hindi? Maniniwala o magsawalang bahala? Kakalas o magpapatuloy. Lahat ito maihahalingtulad sa pag pili ng ulam o pagkain. Kaya mong bilhin ang lahat ng pagkain na gusto mo pero sa huli , pag nakaharap na sayo lahat ng order mo, pipili ka parin kung anong gusto mong maunang isubo. At sa huli, maiiwan ang pagkaing last priority ng dila mo.

  1. May mga bagay na mahirap ipaliwanag, di maintidihan ng iba. Diko kailangan ipa-intindi kong bakit mas gusto ko ang monggo. Diko ma isasalarawan ang kakaibang saya na hatid ng monggo sa dila at lalamunan ko, di nyo rin maiintindihan. At the end of the day, what matters most is what makes me happy. Your opinion doesn’t count. I pay for what I eat and I eat what I want. Ganon din sa buhay. May mga mali na nagpapasaya sa atin. Minsan di natin dapat bilisan ang pagbabago, malay natin IT IS THE RIGHT THING ALL ALONG. Diko sinasabi na mali ang pagkain ng monggo, kilala nyo ba si pareng comparison? Siya yung ginawa ko! Medyo magulo lang siya pero sa huli maiintidihan nyo. Promise!

Para sa pagtatapos. Maraming bagay ang maari kong i-give up. Mahalaga lang sa akin na masaya ang pamilya ko, kasama at mahal ko ang mga kaibigan ko na alam ko kahit parang adik mag-isip e mahalaga ako sa kanila at panghuli masaya ako sa pinipili ko. Ganon din ang MONGGO at spaghetti. Di gugulo ang mundo kung mas pipiliin ko ang MONGGO.

Isang mangkok pa nga ng MONGGO dito!



9.23.2008

The PIANO

Minsan, one day, on my way to work:

Te Amay: Te Palit ko ug tinapa... (bili ako ng sardinas.)

Ako: Ayaw kusga imong tingog ti ingnon pa lang naglisod mo kay tinapa inyong sud-an. (wag mo lakasan boses mo ate, baka sabihin nila na naghihirap na kayo)

Te Amay: Dali lang na mabawi. (madali lang bawiin yun)

Ako: unsaon man? (pano?)

Te Amay: ----shouting to her son----

"Iran (name ng anak nya), ang PIANO dili gamiton ha... Ayaw hilabti!"
"Iran, ang piano wag mong gamitin, wag pakikialaman!"

Sardinas ang ulam pero may PIANO sa bahay! Galing anoh?!?

SCAM

Yun... nag plano na mag punta at mag work sa GERMANY... na SCAM!hahahah

9.21.2008

Free Call center training with JIB e-Academy

Call center industry in Davao is booming like mushrooms every where. Ma-ihian lang ng aso konti yun na, may susulpot na Call center. This is good for Dabawe├▒os and neighboring cities, meaning may maraming ma-eemploy sa na NoyPi. Minus unemployment rate na din yun.

As any industry would require you need to be well equipped to be on the top of the game. Nag-aral nga tayo nga English since elementary to college pero it does not assure us na mag qua-qualify na tayo for the call center job. Do you know BPO? Out-bound kaya? In-bound? See di nyo alam yun noh?!?

To cater to your training, JIB e-Academy comes in. It is the leading call center training and English language proficiency school in Davao with branches all-over the country. It offers scholarship for aspiring call center agents, equipped with facilities and affiliations to various call centers to help you land a job after your 5 week training.


For more info visit or call:
JIB e-Academy and Solution
2nd Floor Tumble tots Building, Mabini Street Davao City
telephone number 305-5522.

9.16.2008

Free on-line marketing training at Sitesource101.com

On-line internet marketing is a fast growing industry. It is a lucrative way of earning on-line. But to be a saleable on-line marketer, one must have the knowledge and skill to be on the top of the game.


Today, most businesses rely on the internet to promote their products and to capture their target audience. It takes a lot of their time to do full time marketing and most businesses would prefer to use their time running their business rather that going full-time promoting it.


Knowledge on on-line marketing is easy to gain if you have the right connection and people who will direct you on what to do. I have been learning this with some people through a site called sitesource101.com. It is a site where people of different interest relating to Internet and how to use it as a tool on making money at home meet. A fun place to learn and to earn is what sitesource offers. Come and join us! Be a sitesourcer today!

9.14.2008

Greener Pasture

Two years and Five months ago, ngarag pa ako sa mga pwedeng mangyari sa buhay ko. Fresh graduate, hindi honor student and balasubas sa eskwela. Yan ako, medyo may kunting tupak at happy-go-lucky sa buhay. I always dream big but I never made an effort to work on it. Most of the time I take things forgranted kasi nga wala akong clear plans for my life.

Take for halimbawa ang mga sumusunod:

1. I was so centain to take up POLITICAL SCIENCE in college. After my High school graduation nag decide ako na mag- MASS Communication. I was again so certain to take up AB MASSCom when during enrollment for college parang gusto ko ng Accountancy mainly because SL (slow learner) ako sa math. I thought I would get over my fear of numbers if I get to deal with it everyday in my 4 year college life. Yun pala, Accountancy was more than math, It was analytical, procedural and very much complicated compared to MATH. Plus, minus and simple operations with calculator lang, ang mahirap is not with numbers but with the analysis part.

2. When I was having a hard time during my early days in my Accoutancy course gusto ko nanamang mag-shift to MassCom or Economics or Politcal Science ulit. Later nag-decide ako na if I fail my accounting subject doon na ako magdedecide what, where and how to deal with it.

3. Nag work sa isang auditing firm after 6 months nag-resign. Nagsilbi sa isang lending company after 2 months nag-resign ulit. Ngayon nag-wowork sa isang magandang company gusto nanamang mag resign. This is a world record na ha, 9 months na akong naka-lista sa payroll nila.

4. Nag-apply for Palau di tumuloy. Nag apply for Singapore di rin tumuloy. Nag-apply for Dubai di parin tumuloy. Lahat dahil sa takot na mahiwalay sa family and friends who had been my source of energy.

5. Now I am processing a new prospect. A better offer and I hope this time it will work out just fine. The previous search for a greener pasture had been OK but sa katanganhang palad ako na mismo ang umatras.

We always want a better life and an improvement from being a third class citizen in a third world country. I realized na we won't get to improve our standing if we just wait for luck to do its magick. Matanda na tayo para maniwala sa swerte at malas. We need to act on it and we should act now!

P.S.
I'm not sure if I'd be able to go through with my plans but for now I wish I can make it. Next entry about this issue will follow hopefully before this month ends and I hope by this time good news and entry ko.

9.07.2008

how to increase your FS views

I have registered to friendster since December 2003 and I haven't been viewed this much in a short time. I was thinking maybe because I just don't visit other users profile that often so they are not viewing me back. I think that is how it works in the online world, even in blogs. If you don't view or leave a comment you wouldn't be recognized.

Out of ka-boringan ng life and trip lang ata ng magulong pag-iisip ko, nag-edit ako ng picture sa paint lang po. This picture was taken during my BEERthday and posted in this very same blog way back then (hehehehe).

From the picture shown above... I made a more naughty look by adding something intriguing...

After just 2 days of posting this picture in my FS Account nag bago ang number ng views ko... From my usual 60-100 views a month, I now have 60 views (and counting) for only 6 days. Malibog ba talaga ang mundo ng on-line at isang picture lang na parang nude eh umaagaw na ng di karapatdapat na view? Aside from the booming number of views, bumaha din ang friend request and messages.

So my advice sa mga taong gusto ang atttention ng Social media tulad ng Friendster:

1. Post naughty, sexy and intriguing photos- mas agaw attention, mas bida.

2. Manatiling naka private profile- Mas discreet ang pagkagusto mo ng attention, mas ok ang it will protect you from bad people on-line.

3. View back your viewers- Just view them, don't make the first move of adding them para medyo hard-to-get ka.

4. Be good sa on-line world- the more na mabait ka sa mga viewers ang di mo namemeet pa na on-line friends the safer and the better world for you and me and all mankind.


Pero gusto ko lang linawin na ayokong sumikat kaya ginamit ko ang pic na to... I had enough fame mula sa aking family and creditors and form the police. Pagod na ako sa kapipirma ng promissory notes for my debts and loans. So ok na ako... nag expiremento lang po ako ng bagong gimik. Mabye sometime next week I will change my primary picture sa friendster account ko. Maybe next time nakaharap naman tulad ng sabi ni Reyna Elena at FOR HIRE naman ang ilalagay ko. Pagkaperahan nga ito...hahahha