9.25.2008

Spaghetti and Monggo

Alam ko mababaw ang entry na ito. Anong entry ko ba ang may sense? Sagot ko? WALA! Pero sa lahat ng entry ko, ito na siguro ang pinaka walang sense. Wala itong sense of direction, walang humor, wala kang matututunan at higit sa lahat di pinag-isipan. Nag-ugat lang kasi to sa WALA lang, ano pa ba ang ee-expect mo kung di wala rin.

Bakit spaghetti and monggo ang pamagat ng entry na ito? kasi pareho ko silang paborito. OO, in comparison alam ko masyadong pinoy ang monggo, ginataan man or simpleng luto ni nanay wala itong panlaban sa SPAGHETTI ni Mcdo or Jolibee na favorite ng mga kids. Pero paborito ko ang MONGGO, mababaw lang kasi akong tao. Bahala ang arthritis at iba pang sakit na makukuha sa sobrang pagkain ng monggo basta paborito ko ito. Sabi nga ng isang ka-klase ko nang minsan ipagkalat ko ang kakaibang pagmamahal ko sa ano mang uri ng pagkakaluto ng monggo “pag naluto ang nanay ng monggo dadalhan kita”. To think piso na lang ang pamasahe PLUTO na ang bahay nila, kapit bahay ng URANUS at SATURN.

Sa working place ko now, sa STARBOKS na kinakainan nami, favorite ko rin ang monggo na papakin tuwing lunch time. Pag nagluto sila ng favorite ko automatikong naka reserve na sa akin ang isang order. Halos every after a day may luto silang monggo hanggang sa nagsawa na ako. Nag request ako na wag na akong e-reserve. Nag-diet din ako kasi ng tumaba na ako. Yun, spaghetti na lang ang kina-kain ko tuwing lunch.

Makalipas ang ilang araw, na miss ko na ang MONGGO. Nakasanayan ko na kasi ito. Hinahanap nang panlasa at dila ko. Kulang ang araw na hindi ko siya kasama. Kaninang lunch kinain ko ang isang order na MONGGO sa starboks. Na miss ko nga siya.

Alam ko sabi ko sa simula ng entry na to na wala itong saysay. Pero gusto ko lang e-share ang mga na realize ko after today.

  1. May mga bagay na hindi dapat kalimutan o biglaang tangalin sa sistema ng ating buhay. Siguro dahil napamahal na sa atin ang mga ito o kaya e alam nating mali pero nakasanayan na o di kaya naman dahil sa simpleng kadahilanan na ito tayo. Ako, gusto ko ang monggong kinakain ko. Weird man siya sa iba na mas gusto ko ang monggo compared sa spaghetti pero sa kaloob-looban ko, alam ko ito ang gusto ko.

  1. May mga bagay na kailangang bitawan, trade-off ang tawag dito ng mga ekonomista. Kakain ng monggo o spaghetti? Sasama o hindi? Maniniwala o magsawalang bahala? Kakalas o magpapatuloy. Lahat ito maihahalingtulad sa pag pili ng ulam o pagkain. Kaya mong bilhin ang lahat ng pagkain na gusto mo pero sa huli , pag nakaharap na sayo lahat ng order mo, pipili ka parin kung anong gusto mong maunang isubo. At sa huli, maiiwan ang pagkaing last priority ng dila mo.

  1. May mga bagay na mahirap ipaliwanag, di maintidihan ng iba. Diko kailangan ipa-intindi kong bakit mas gusto ko ang monggo. Diko ma isasalarawan ang kakaibang saya na hatid ng monggo sa dila at lalamunan ko, di nyo rin maiintindihan. At the end of the day, what matters most is what makes me happy. Your opinion doesn’t count. I pay for what I eat and I eat what I want. Ganon din sa buhay. May mga mali na nagpapasaya sa atin. Minsan di natin dapat bilisan ang pagbabago, malay natin IT IS THE RIGHT THING ALL ALONG. Diko sinasabi na mali ang pagkain ng monggo, kilala nyo ba si pareng comparison? Siya yung ginawa ko! Medyo magulo lang siya pero sa huli maiintidihan nyo. Promise!

Para sa pagtatapos. Maraming bagay ang maari kong i-give up. Mahalaga lang sa akin na masaya ang pamilya ko, kasama at mahal ko ang mga kaibigan ko na alam ko kahit parang adik mag-isip e mahalaga ako sa kanila at panghuli masaya ako sa pinipili ko. Ganon din ang MONGGO at spaghetti. Di gugulo ang mundo kung mas pipiliin ko ang MONGGO.

Isang mangkok pa nga ng MONGGO dito!



2 comments:

Anonymous said...

monggos nga may alugbati nga may subak nga isdang pinirito o bulad? monggos nga may gata ug bulad pinikas? monggos nga may kamunggay ug talong? monggos sa dabaw? kalinaw na lang sa kalibutan ang kulang, daug na ta!

aDz said...

anonymous: WORLD peace jud ang kulang! Let us promote world peace by feeding the world with monggos?hahaha why not noh? nice Idea!

Salamat sa pag visit! eat out ta one time... moggos lanag sud-anon nato...hahaha