11.24.2008

Rainy Days and Mondays

Woke up early today...
Hindi kasi ako gumala kagabi... di nga ako nag simba...
Dami ko kasing ginawa... payroll, pag edit ng pictures, minutes, reports...
Di nga ako naligo kahapon... sa bahay lang ako tumambay...

Umuulan pag gising ko...
Ayoko sanang gumising pero MONDAY ngayon...
Unang araw ng trabaho...
Ang lamig ng tubig sa banyo..
Gusto ko pa sanang matulog...

Dala ko ang camera ng office kasi nag edit ako ng pictures for our company website...
Nag taxi ako kasi ang lakas ng ulan...
Sa loob ng taxi di ko kinakausap ang driver...
maiinit ulo ko pag umuulan...
nag picture-picture na lang ako...
Heto ang mga kuha ko...

Sa may Sta. Ana Avenue to....



di gaanong malakas ang ulan... OK lang... pero nakakabasa parin...
Nakaka-inis parin

Fresh na fresh talaga ang mga pics na to...
look at the date...



Yan ang alma mater ko...
sa likod ng babaeng yan... nan doon ang tarpaulin ko... (hahaha)
inis din kami dati sa tuwing umuulan...
di kasi kami makalabas ng school kasi malayo ang boyayang...


Ito ang Sta. Ana crossing...
Busy street...
Sobra...


at ito ang jeep... wla lang...


Rainy Days and Mondays
(The Carpenters)

Talkin' to myself and feelin' old
Sometimes I'd like to quit
Nothing ever seems to fit
Hangin' around
Nothing to do but frown
Rainy Days and Mondays always get me down.





akala ko talaga at first RAINY DAYS ON MONDAYS ang pamagat nito.
BOBO me!

11.20.2008

Sitesource101.com--- Launching Soon!



Soon to be at your service!


Join sitesource101 today!



11.15.2008

the Ewan entry

Ang cocorny nang mga entry ko this past few days. Di naman ako ganito dati. Napagod na siguro ako sa pulit-ulit na pangyayari sa buhay ko. I had so many things going in and out (am i in or out) sa office, bahay and friends na di ko na iniisip ano ang e-pupublish kong entry. I have gazillion of things na gusto ko eshare like the party we had at Samal to celebrate JUVY and pakapin sa bobot na birthday ni YEN, the funny things that occurred to me and to my officemates, mga inoman sessions, and a lot of other things na diko maisabuhay sa titik at letra.

I have to do a report by the way pero heto ako nagsusulat ng entry. Boring sa office kasi wala ako sa premier energy level ko. May mga tao na naglalakad sa hallway, may orientation, may nagtatawanang mga estudyante, pero ako, heto nagsusulat.

Malala na ang ubo at sipon ko. Pero ayokong mag pa check-up. I find it pointless na magpacheck tapos sasabihin lang din sa akin ang mga bagay na alam ko. Kailangan ko pa ba ng confirmation to know na may ubo at sipon ako? I think I can do it myself. Pero di ako magpapatalo sa ubo at sipon, may badminton game pa kami this 2pm, may drinking session and grill2 ng tuna on the side, may tawanan at koting alaskahan. I have to be on my top shape to compete with the rest of the gang. Pero kaya ko kaya kahit alam kong may kulang sa araw ko? Di kasi ako nagapagshabu kaya siguro weakling ako. Biro lang po. Sige Have a great day!


(at bakit iba-iba ang color ng text na to? diko alam cguro gusto ko lang makita ano ang pwede na color ng font sa blog ko... yung mapapansin, yung tipong di maisasangtabi... Yun lang po... BOW)
Nakaupo
Naghihintay
Pagod na sa ganitong eksena
sawa na sa paulit-ulit na storya

Minsan gusto ko lang gumala
magliwaliw na parang walang bukas
tipong huli na ang lahat para iminom at maglasing
yung parang ito na ang katapusan at kailangan ko na itong gawin

Di ako magkapag-isip ng matino
Sa dami ng dapat gawin
sa konti ng oras na nasa akin
may panahon pa kaya para ngumiti at maglambing?

Ito ako ngayon
nakaupo parin
naghihintay parin
na minsan sana dumating
na ang lahat ng bagay ay maki-isa sa akin

11.14.2008

I shall be seen

Typical na pinoy ako. Pango ang ilong, kayumangi ang balat, medyo kulot ang buhok di nga lang ako pandak. Kompara naman kasi sa normal na height ng mga pinoy matangkad ako, 5’11” ako eh. Sa lahat ng ito, mamumukod tangi ang akong pagiging brown skinned man. Brown lang naman talaga ako, dark brown nga lang. Yun bang parang chocolate hills ng Bohol na dumaan sa isang taong el niƱo, naging Dark Chocolate hills na. Well, buhat ng magkamalay ako, ito na ang nakalakihan kong tira mula sa mga ka klase , kaibigan at kaopisina ko. Ang kulay ko, opo, sinubukan ko na lahat ng whitening cream at lotion pero sadyang may sariling pag-iisip ang balat ko. Kaya heto ako ngayon, pango, dark brown ang kutis, medyo kulot ang buhok pero matangkad nga lang.

Highschool 1:

Me: Ganyan talaga ang buhay di mo pwedeng kunin lahat. And besides BLACK is beautiful man din.

Classmate: Opo, black is beautiful, but too much is charcoal.


Highschool 2:

Classmate 2: Adz, wag ka masyadong magsusuot ng shocking colors baka mapagkamalan kang traffic sign na misplaced.


College 1:

Classmate 1: May bagong nick name na si adz.

Me: Ano?

Classmate 1: Noggie

Me: Hehehehe… (secretong natuwa kasi political figure si Noggie sa Davao, meaning ba nito respetado ako?)

Classmate 2: Bakit Noggie?

Classmate 1: Noggie… Nog-Nog… Sunog…


College 2:

Classmate 1: Adz wag ka masyadong dumidikit sa pader baka pagkamalan kang Charcoal painting.


College 3:

Classmate 1: Adz, Sali ka sa competition, I’m sure you will love the prize.

Me: Ano?

Classmate 1: 1 month supply of whitening Likas papaya soap.


College 4:

Classmate 1: Adz?

Me: Yupz?

Classmate 1: Matatangal kaya ng eraser ng monggol ang black na color mo?

Me: Gusto mo isak-sak ko sayo ang sharpened monggol pencil ko? No. 2 pa to! Bagong tasa!

Classmate 2: Liquid eraser kaya adz, mas maputi ang effect non!


Sa Office 1

Me: Bye guys! I’ll go ahead! Pagod na po ako.

Officemate: May nagsasalita ba?


Sa Office 2

Boss: Mag isip na kayo ng concept for Christmas decoration sa office.

Officemate: Punuin natin ng lights ang room, blinking para parang disco sabay mag tug-tug.

Boss: Pwede yun!

Officemate: Para din sa benefit ni adz, para makita siya pag gabi.


Sa Office 3

Me: May theme song na ang office!

Officemate: Ano?

Me: Someone’s always saying goodbye… I believe it hurts when we cry… Don’t you know partings never soo easy?

Officemate: Ikaw, meron din!

Me: Ano?

Officemate: Sunog! Nanaman si adz! Ilabas nyo na ang kalokohan….


Now, tell me! Sino ang hindi masasanay sa ganitong eksena? Ako? sanay na. Sa tagal-tagal ko ng naririnig ang mga ganitong banat medyo nagsawa na rin ako. Tinatawanan ko na lang kesa sa magalit ako. Sa loob-loob ko, di naman sa kulay nagkakatalo ang buhay. Sa pananaw, prinsipyo at paniniwala. Pag namatay ba tayo at humarap sa Poong Maykapal, ano ba ang titingnan nya? (makikita niya kaya ako? I'll just make sure na morning ang appointment ko kay LORD) Ang kulay ba natin o kung ano ang nagawa natin sa mundo nung buhay pa tayo?

I still live with the virtue of the tenth beatitude (meron ba?)

“Blessed are the dark skinned, for in front of God they shall be seen.” hahahah

I found my way home just to get lost again
Made an effort to leave this place but I'm still here
I want to get away
I want to get out of this place
but I want you to be with me
I am leaving
but not without you

Tonight I plan another escape
I will come into your room at night and urge you to come with me
this is my last and final attempt to flee
My only chance to bring you with me
I am going
I know I can't drag you
I am leaving
giving up is the best option now

Tomorrow I will wake up to a new morning
a new place
a brand new promise of a better life
But still I want to hold those familiar hands
Hug you in my strong arms
Offer you my shoulder for comfort
and I know,
I still want to share with you
A world of something new.

11.06.2008

New Look!

I have a new look for my blog. I would like to thank Miss Sharlene Grace a.k.a CHAI for this nice work of art. Magaling talaga si CHAI, kinukulit ko na kasi siya every time na nagpupunta ako sa CHAVEZ. Sa iyo CHAI isang masigabong palapak mula sa akin at sa mundong bilog.

Medyo na hirapan ako sa pag fit ng ginawa ni Chai na masterpiece sa blog ko. Sa unang subok ko, palpak agad. Sobrang excited kasi. Totoo nga talaga ang sabi-sabi ng mga matatanda. Kahit gaano ka galing ang espada pag purol ang gagamit wala pa ring silbi. Sa ganda ng ginawa ni chai di ko na bigyan ng justice...huhuhu nakakahiya. Atleast na adjust ko siya ng konti. Medyo di lang nga talaga naging tama sa unang subok.

Ganito ang labas the first time I tried it.



Ngayon! Heto na xa! Galing anoh?!?


Muli... Salamat po sa sponsor ko... CHAI...hehehe