11.14.2008

I shall be seen

Typical na pinoy ako. Pango ang ilong, kayumangi ang balat, medyo kulot ang buhok di nga lang ako pandak. Kompara naman kasi sa normal na height ng mga pinoy matangkad ako, 5’11” ako eh. Sa lahat ng ito, mamumukod tangi ang akong pagiging brown skinned man. Brown lang naman talaga ako, dark brown nga lang. Yun bang parang chocolate hills ng Bohol na dumaan sa isang taong el niƱo, naging Dark Chocolate hills na. Well, buhat ng magkamalay ako, ito na ang nakalakihan kong tira mula sa mga ka klase , kaibigan at kaopisina ko. Ang kulay ko, opo, sinubukan ko na lahat ng whitening cream at lotion pero sadyang may sariling pag-iisip ang balat ko. Kaya heto ako ngayon, pango, dark brown ang kutis, medyo kulot ang buhok pero matangkad nga lang.

Highschool 1:

Me: Ganyan talaga ang buhay di mo pwedeng kunin lahat. And besides BLACK is beautiful man din.

Classmate: Opo, black is beautiful, but too much is charcoal.


Highschool 2:

Classmate 2: Adz, wag ka masyadong magsusuot ng shocking colors baka mapagkamalan kang traffic sign na misplaced.


College 1:

Classmate 1: May bagong nick name na si adz.

Me: Ano?

Classmate 1: Noggie

Me: Hehehehe… (secretong natuwa kasi political figure si Noggie sa Davao, meaning ba nito respetado ako?)

Classmate 2: Bakit Noggie?

Classmate 1: Noggie… Nog-Nog… Sunog…


College 2:

Classmate 1: Adz wag ka masyadong dumidikit sa pader baka pagkamalan kang Charcoal painting.


College 3:

Classmate 1: Adz, Sali ka sa competition, I’m sure you will love the prize.

Me: Ano?

Classmate 1: 1 month supply of whitening Likas papaya soap.


College 4:

Classmate 1: Adz?

Me: Yupz?

Classmate 1: Matatangal kaya ng eraser ng monggol ang black na color mo?

Me: Gusto mo isak-sak ko sayo ang sharpened monggol pencil ko? No. 2 pa to! Bagong tasa!

Classmate 2: Liquid eraser kaya adz, mas maputi ang effect non!


Sa Office 1

Me: Bye guys! I’ll go ahead! Pagod na po ako.

Officemate: May nagsasalita ba?


Sa Office 2

Boss: Mag isip na kayo ng concept for Christmas decoration sa office.

Officemate: Punuin natin ng lights ang room, blinking para parang disco sabay mag tug-tug.

Boss: Pwede yun!

Officemate: Para din sa benefit ni adz, para makita siya pag gabi.


Sa Office 3

Me: May theme song na ang office!

Officemate: Ano?

Me: Someone’s always saying goodbye… I believe it hurts when we cry… Don’t you know partings never soo easy?

Officemate: Ikaw, meron din!

Me: Ano?

Officemate: Sunog! Nanaman si adz! Ilabas nyo na ang kalokohan….


Now, tell me! Sino ang hindi masasanay sa ganitong eksena? Ako? sanay na. Sa tagal-tagal ko ng naririnig ang mga ganitong banat medyo nagsawa na rin ako. Tinatawanan ko na lang kesa sa magalit ako. Sa loob-loob ko, di naman sa kulay nagkakatalo ang buhay. Sa pananaw, prinsipyo at paniniwala. Pag namatay ba tayo at humarap sa Poong Maykapal, ano ba ang titingnan nya? (makikita niya kaya ako? I'll just make sure na morning ang appointment ko kay LORD) Ang kulay ba natin o kung ano ang nagawa natin sa mundo nung buhay pa tayo?

I still live with the virtue of the tenth beatitude (meron ba?)

“Blessed are the dark skinned, for in front of God they shall be seen.” hahahah

4 comments:

reyna elena said...

leche naman oo! hahaha! kung pandak ka at 5'11" eh ano ako at 4'1"? hahaha tyanak?! hahaha!

reyna elena said...

hahaha! ayuf mga kebigan mo adz! wag kang mag-alala minsan matatalim masyado ang terms of endearment nang mga mokong mong kebigan hehehe

aDz said...

seryoso? reyna? 4'1"? kaya pala late bloomer ka sa pagiging model!hahaha

salamat sa visit...

aDz said...

matatalim nga talaga... sagad hanggang sa kuku ng hintuturo ko.... ok lang naman din... medyo nasanay na ako...

installment ang reply ko sa mga comments mo reyna... wla lang...