12.16.2008

Happy Birthday Mama

Bumaha sa Isla namin kagabi kasi Full Moon. Due to the strong gravitational something of the Moon tumaas yung dagat at kailangan kong dumaan sa madilim na bahagi ng lugar namin to get away from the high tide. I don't want to remove my shoes and look stupid habang bitbit ko and leather shoes ko at nakataas ang aking slacks pants with matching polo na stripes.

May mga batang naglalaro sa kadiliman, di sila tyanak, mahilig lang sila sa madidilim na bahagi maglaro. Nadaanan ko sila habang nakakumpol at nag-uusap.

Bata: Uncle, wag kayong dumaan dyan may Kapre.
Adz: Ano? (uncle!?! are you sure?!?)
Bata: Totoo po, may Kapre talaga. Nagsisigarilyo.
Adz: Ah.... OK...


Napaisip ako, hinde dahil may Kapre, kung di dahil UNCLE na pala ako ngayon. Dati kasi kuya ako tapos naging sir, ngayon Uncle na ako?

Pano ba nasusukat ang pagtanda? Sa laki o edad ba? Sa dami ng natapos na course or timpalak na napanalo? Sa dami ng nagawa sa buhay? Dapat bang itago ang pagtanda o dapat ikasaya? Siguro sa dami ng kabutihang nagawa mo sa pamilya mo. Habang tumatanda kasi ang tao mas nagiging marami ang bilang ng kabutihang pwedeng e-relate sa kanya.

Naging mabuting ina, mabuting asawa, mapagmahal na ate, helpful sa kapwa at marami pa. Birthday ng Nanay ko. Kung matanda na kaming magkakapatid at naging mabuting tao (mga kapatid ko lang... di ako kasali) sa sambayanan yan ay dahil sa Nanay namin. 59 years old na si Mama, matanda na si mama, marami na siyang nagawang magagandang bagay sa mundo at mahal na mahal nami siya.

Matanda na rin ako pero kung di dahil kay Mama wala ako dito. So OK lang na uncle tawag sa akin kasi Lola na ang tawag kay Mama.

Happy Birthday Ma!

3 comments:

Ibyang said...

Lualhati Bautista, ikaw ba yan? Hehehehehe!

Malamang tinawag kang uncle dahil sa suot mo. Marahil din dahil...mukha ka na talgang matanda, uncle-ish beauty kumbaga.

Pero ang pinagtataka ko...pano ka nila nakita sa dilim adz?

HALABYOOOOOO!

Ibyang said...

Lualhati Bautista, ikaw ba yan? Hehehehehe!

Malamang tinawag kang uncle dahil sa suot mo. Marahil din dahil...mukha ka na talgang matanda, uncle-ish beauty kumbaga.

Pero ang pinagtataka ko...pano ka nila nakita sa dilim adz?

HALABYOOOOOO!

aDz said...

hahahah

ambot nimo byang... ikaw na jud....

"uncle-ish beauty".... BEAUTY jud?

ingatz ate....