3.20.2009

Bad Day Today

Alam mong masama ang araw kung:

1. Nagbayad ka ng telephone bill at ang nasulat mo sa check na amount in words ay iba sa figures na nakalagay.

2. Mas masama kung pag dial mo sa phone walang dial tone kasi naputulan na kayo.

3. Nag plan ka ng party at sa huli ikaw ang di makakaattend.

4. Akala mo tapos na ang lahat, yung tipong wala ka nang dapat isipan na problema, hanggang sa dumating ang sulat na pinakakatakotan mo. "This is it! my worst nightmare has come to life!" biglang sigaw mo sa sarili mo.

5. Sinabihan kang bobo kasi di mo alam kung bakit di mo maalala ang sagot.

6. Nakalimutan ng boss mo na sahod mo na pala today.

7. Worst, ubos na ang pera mo kasi akala mo sasahod ka today.

8. Marami kang dapat gawin pero di mo alam saan magsisimula.

9. Maraming dapat gawin pero di ka makapagisip kasi sira na nga ang araw mo.

10. Di na plansta ang paborito mong polo at kailangan mong gamitin ang old polo mo.

11. Di ka makahanap ng matinong pagkain kasi late kana para sa breakfast and masyado kang early para sa lunch.

12. Said na ang bulsa mo sa kagagastos at kababayad ng utang na di naman sayo.

13. Maraming makulit na gustong umutang.

14. Nakaaway mo ang isang kaibigan dahil matigas ang ulo niya.

15. Inaway ka ng isang kaibigan dahil matigas ang ulo mo.

16. Kailangan mong umalis pero parang matatae ka pag humakbang kapa ng tatlong hakbang.

17. May load ka pero walang nag tetext para kausapin ka.

18. May nag text sayo pero expired na ang load mo at “Service not Available” na ang nagrereflect instead of “message sent”.

19. Gusto mo magtago sa loob ng movie house at doon mag solo pero walang magandang palabas.

20. Ok kana sa di magandang palabas pero walang pera at panahon para manuod ng movie mag-isa.


“Maybe you don't like your job, maybe you didn't get enough sleep, well nobody likes their job, nobody got enough sleep. Maybe you just had the worst day of your life, but you know, there's no escape, there's no excuse, so just suck up and be nice.”

4 comments:

Reesie said...

buhay nga naman.. isn't it ironic..?? that's the beauty of life, eka nga..

Dee said...

Life does sometimes sucks! Hay, buhay! Nakakainis no...

aDz said...

Reesi: Pasenxa sa long time before answering effect ko....

busy po talaga ang life...hehehehe

beauty of life nga talaga diba? nakakainis na nakakatawa minsa.

Dee: It sucks but it also rocks.... toinks

7thstranger said...

oh well, kaya may ganito para ma-appreciate natin ang magagandang bagay... :)