3.11.2009

Dalawamput Limang Pisong Paalam

1. Ayaw mo ng mamilit na magpasama.

2. Ayaw mo na ng kasama.

3. Ayaw mo ng kulitin siya na sagutin ang tanong mo.

4. Ayaw mo ng kinukulit ka.

5. Ayaw mo na sa taong makulit.

6. Hindi na masaya ang araw na magkasama kayo.

7. Hindi na siya masaya na magkasama kayo.

8. Ayaw mo ng magbayad sa mga pagkaing ino-order niya sa date nyo.

9. Ayaw mo ng kainin ang tira-tira niya, pero dapat kainin kasi ikaw naman ang nagbayad at sayang din yun.

10. Nakakainis na ang mga jokes niya.

11. Hindi na siya natatawa sa mga jokes mo.

12. Ayaw mong pinipilit niyang tigilan mo na ang pag yosi.

13. Ayaw mo ng magising sa mga text niya na nagpapaalala na wag ma late sa work.

14. Ayaw mo ng maghintay sa mga reply niya.

15. Ayaw mo ng maamoy ang “pang umagang hininga” nya.


Matinding Limang Piso:

16. Nakakapagod ng maghintay sa labas ng office pag on-the-go na ang hatid sundong school bus habang nagtatawanan siya kasama ang mga officemate niya.

17. Nakakapagod ng magpaalam habang siya ay ok lang na di mo alam kung saang lupalop nagpunta.

18. Nakaka-inis na palagi sa minsanan nyong pagsasama siya ang nasusunod.

19. Nakaka-inis ang di nya pag reply pag galit siya habang ikaw ay di makatulog sa kahihintay.

20. Nakakaumay ang palagiang pagpapaalala nya na umuwi ka ng maaga. (ano ka bata?)



Pinakamatinding Huling Limang Piso:

21. Ayaw mo nang maglakad habang siya ay nakasakay sa jeep. Binigay mo na kasi ang last coins mo sa kanya kasi wala daw siyang barya pamasahe.

22. Pipila ka sa pagkahabang pila sa grocery para bilhan siya ng napkin or powder or facial cleanser.

23. Sasamahan mo siya sa lahat ng lakad kahit di mo naman gusto pero siya understandable na ang reason na pagod siya at gustong matulog.

24. Di ka invited sa lahat ng importanteng events sa buhay nya kasi family affair daw. Toink!

25. Bibilhan mo siya ng sundae hot fudge sa Mcdo kasi gusto nya yun habang ikaw ay sing payat na nang kawayan kasi halos di na kumakain.


Di akin ang entry na to, may nagpapasulat lang. I accepted the challenge kahit walang bayad kasi natawa ako dahil wala akong makitang logic (ano daw?). Bakit ika nyo 25 pisong paalam ang pamagat nito? Aside sa 25 ang total nito, tig 25 pesos lang kasi ang Mcdo Sundae Hot Fudge. Ang layo ng connection ano?

3 comments:

Dee said...

Nalito din ako bakit iyan ang title. Pero may sense and totoo naman iyong lists. :D

Jan said...

"Di ka invited sa lahat ng importanteng events sa buhay nya kasi family affair daw."

Di lang toink. May kasama pang bukol tiyak.

It's not yours, I know. Di mo ba natatandaan - pinasulat ko ito sa 'yo? lol. A hurtful list of 25 things pero entertaining pa rin ang dating.

aDz said...

Dee: Weird nga eh...hehehehe pero infairness nakaka-aliw mag sulat ng nonsense.

Jan: Minsan ang mga hurtful things ang mas nakakasaya pag usapan, lalo na pagtapos na ang bugso ng ulan....

Guilty din ako sa ibang items ng list.... ikaw din?hehehhe

take care.... :)