3.02.2009

Sabi nila... Sabi ko...

Sabi ni Mama: “Magbigay ka at magmahal hanggat kaya mo. Sa huli di ka magsisisi na nagkulang ka sa parte mo, di ka magsisisi na di ka nagmahal at nagbigay. Sila ang magsisisis kasi niloko at di ka nila inalagaan. At pag na puno kana, hayaan mo na silang lahat.”

Sabi ni Joe: “Alagaan mo ang mga taong mahalaga sa kanila ang maliliit na bagay tungkol sayo. Sila yung mga tao na pag guho ng mundo mo at wala kanang maisip na dahilan para mabuhay, papahalagahan ka parin.”

Sabi ni Ivy: “Ok lang maging selfish. Ok lang na unahin ang sarili paminsan-minsan.”

Sabi ni Norman: “Di lahat ng tao tulad mo mag-isip. Di lahat ng tao tulad mo.”

Sabi ni Roselyn: “Minsan nakakalimutan kong bata ka pa nga. Minsan nakakalimutan ko na bunsong kapatid kita sa lahat ng bagay.”

Sabi ni Juvy: “Live your life with less “I’m sorry”.”

Sabi ni Vincent: “Masuwerte ka!”


Sabi ko:


Sana nga lang tinuruan ako ni Mama kung kelan napupuno ang pasensiya.

Sana nasabi din ni Joe kung anong bagay ba ang maliit at mahalaga sa buhay.

Sana tinuro na rin ni Ivy kung pano wag maawa, pano maging selfish at pano unahin ang sarili.

Sana ipinaliwanag ni Norman pano ako mag-isip. Pano ako na iiba sa karamihan.

Sana nasabi ni Roselyn na bata pa ako at ok lang magkamali.

Sana nasabi ni Juvy kung kelan ok lang mag sorry at kung kelan di kailangang humingi ng tawad.

Sana lang na explain ni Vincent bakit masuwerte ako.

Sana lang maalala ko lahat ng ito sa tuwing ganito ang nararamdaman ko.

(emo????!!!! Hahahahha)

4 comments:

Sandy said...

grabe adz you're so EMO na ngayon..what happened??? cheer up adz!

aDz said...

EMO mo lang...heheheh

having a very bad day but I will be fine... I know I will be fine... I have to be fine... :)

Dee said...

Your post is thought-provoking. It's good to emote din at times because it helps us think and express things. Parang evaluate things.

Meron pala akong award sa iyo. Please take a look and get it in my blog. Thank you.

Ayo-ayo, Adz.:D

joseph roger said...

emo much.. but its good to think of something and not be bored..