6.29.2009

3 in 1 post

Heto na! Parang kape to na 3-in-1, di nga lang instant at di mainit kasi medyo late ang post na to. Sumakit ang batok ko sa dami ng gastos at dapat gawin for this week. Pero sa halip na mag trabaho na, heto ako at nagsusulat ng entry para sa blog ko. OO, masamang empleyado ako, yung tipong gagamitin ang computer ng office para gumawa at magsulat ng blog pero kumpara naman sa mga magnanakaw sa kaban ng bayan angel parin ako. By-the-way dami na nga palang renovation at reconstruction ng daan ngayon, siguro kasi malapit na ang eleksyon. Pakitang gilas nanaman ang mga politynaks.

So update lang to ng mga ginawa ko. Highlight lang kasi ang dami ko na kasing ginawa sa buhay ko in just one week.

1. Bumili ako ng bagong phone MyPhone T12 Duo ang binili ko. Di naman kasi ako masyadong mahilig sa phone eh. Tama na sa akin ang phone na nakakatext, nakakatawag, may camera ng kahit di kagandahan ay pwedeng ilipat sa PC para pang blog ang mga pictures. OO, mababaw akong tao. Pero promise pag nag labas ng cellphone na may CR bibili ako at ipamumudmud ko sa sambayanang pinoy para diko na mabasa uli ang signs na tulad ng “Bawal umihi dito! Hindi ka Aso” or “Maliit ang titi ng mga taong di alam kung saan dapat umihi”



2. Nag punta kami sa Tagum kahapon. Kalapit na city lang ang Tagum ng Davao, 1 hour ride lang. Binisita nami ang mga relatives namin dun. Nagbayad utang din ako sa ina-anak ko na anak din ng pinsan ko. Di kasi ako naka attend ng birthday party niya. Alam nyo naman ako. Busy. Sakto naman na hasvest season pala ng mga gulay kahapon. Yung tipong ilalagay ka sa gitna ng halamanan at ikaw na lang ang magharvest tapos bayaran mo lang ang na harvest mo. Sobrang excited ako kasi virgin pa ako sa paghaharvest ng gulay. May kamatis, talong, ampalaya, upo, patola, okra, radish, cucumber, at kung ano-ano pang gulay na sa kantang bahay kubo mo lang maririnig. Naka arrange ang farm aphabetically ayong sa pangalan ng gulay (joke!). Ang dami kong nabili. Sobrang excited kasi ako umabot ng isang sako ang nabili kong gulay. Narealize ko na sobrang bigat na ngdadalhin ko pauwi ng Davao at ako lang mag isa ang mag-aala Hercules. Wrong move.

Ang pinaka enjoy na part sa tanang experience na ito ay ang paghaharvest ng kamatis, bayaran at tawaran. Sa kamatisan kasi, nag patulong na ako kasi sobrang kati na ng balat ko from the previous harvest. Sobrang bilis nilang mag harvest, 5 is to ½ ang ratio. Limang kamatis palang napipitas ko ½ kilo na sila. Sa tawaran naman kahit tig sampung piso lang ang kilo ng gulay puwede ka pang ask ng libreng additional gulay.

Sa dulo ng harvesting season namin, nakabili ako ng halos isang sakong gulay sa halagang 240 pesos only. May libreng half kilo pa yun ng upo, cucumber at isang kalabasa na malaki. Hindi ko pa na mention ang mga sobrang tig iisang guhit na kilo ng gulay (ngayon ay na mention ko na) for free. Sayang lang at di ko na kompleto ang gulay sa bahay kubo.

Ang mga kamatis na hilaw.
Dahil gusto ni Juvy ng hilaw na kamatis para crunchy daw.

Sila.... habang nagpapaligsahan ng may pinakamaraming mapitas na kamatis

Cucumber.... infant stage pa alng yan.

Upo.... opo.... upo...


Bulaklak... ewan

3. Ang tagal bago kami naka sakay ng bus pauwi sa Davao. Yung tipong pwede ka pang magliwaliw sa Italya bago dumating ang bus na dadaan sa boulevard.

Sa bus, katabi ko ang isang lalaki na parang nagcoconcert sa lakas nang boses. Ang lakas din nang music niya, di tuloy ako mapakag concentrate sa binabasa kong Bob Ong book. Sa wakas at napagod siya sa kakakanta ng wala sa tuno. Nakatulog sa performance, subalit ilang sandali lang ang lumipas nag hilik nanaman ang mokong. Sh*t! Ang lakas humilik di na nahiya. Bukas-baba pa kong matulog ang gago.

Heto siya.

[sorry... panakaw lang kasi ang kuha ng picture na to..]


4 comments:

moonsparks said...

napadaan lang po ako. :) mukhang ang saya nung experience mo ng pagha-harvest ng gulay a. nakakatuwa habang binabasa yung description. at isang sako ng gulay for Php240? amazing. kung sa Manila siguro, x4 o x5 na yung total cost.

Dee said...

Ang mura nga ng gulay, noh. Tapos ang presko pa.

Ay, congrats sa bagong celfone. Sleek ang design, ganda. Sony Ericsson ba siya?

Ingat, Adz. Ay, may tag pala ako para sa iyo. If may time ka, grab it lang. :)

aDz said...

@moonsparks- sobrang mura lang ng gulay kasi you do the harvesting... walang workers na babayaran... salamat sa pag visit. :)

@mommy Dee- salamat sa tag mommy dee... salamat sa pagvisit uli... :)

Anonymous said...

I just want to say Hi to Everyone!