12.25.2010

Tulog Muna ako Ngayon

Di ako ni minsan pinilit ng nanay ko na matulog pag tanghali pero ang lola ko, OO. Kaya kasalanan ng lola ko na sobrang tangkad ko ngayon. Yung tipong pag nasa crowd ako, ako ang nagiging basis ng hanapan, landmark kung sa kalye pa. May mga perks and privileges ang pagiging tangkad may mga konting palpak lang sa gift na ito.

Ngayong pasko at malapit na mag New year, naisip ko di totoo ang paniniwala nilang kong natutulog ka sa taghali tatangkad ka, kung tatalon ka sa New Year tatangkad ka, na maswerte ang matatangkad. Kung totoo lahat ng ito di sana pandak ako kasi di ko maalala na natulog ako ni minsa sa tuwing tanghali kasi lagi akong tumatakas pag si lola ang bantay, na nagtatalon ako tuwing New year, at nasaan ang swerte ko? Di pa siguro ngayon pero sabi nga nang isang blogger “mahalaga ang ngayon”. So matutulog muna ako ngayon.

Promise di ko na gets ang post na ito.... gusto ko lang kasing ma busy kaya pinilit kong magsulat.... but it makes no sense at all.... kaya Maligayang Paskona lang sa Lahat!

9.14.2010

September Thoughts

September brings a lot of changes for me. Career, studies, life, friends and family. Everything is changing rapidly. One decision to change leading to another change. All of a sudden everything is new. I don't like where I am right now but I am hesitant about the change. I once said that if doesn't feel right then it is not right. I still live by it but this is something that feels so right yet seems so wrong.

Trust me when I say I will miss all these. I will miss everything. I just pray it was easier but it will never be easy. I know I will get by as I always have.

8.24.2010

Sampung Perasong Ako

The past few days emo ang mga status message ko. Di ko lubos maisip bakit yun lagi naiisip kong ilagay sa facebook. Inaatok ako lagi pag nasa work, gusto ko lagi akong busy but to no avail, lagi akong on relax mode.

I tried reading to get my thoughts up. Mali nga lang ang napili kong book, The Time Traveler's Wife. Mas depressing pa ang book na ito kesa sa pinaka cheesy na pinoy telenovela produced. But since I have started reading the book already, I decided to go through with it any how. I also started scanning the web for fun blogs but I think my depression is at worst case scenario already, one that even 911 could not salvage.

Since bored nanaman ang inyong abang lingkod, naisipan kong magsulat uli. Sa araw na to gusto kong eshare and 10 things about me. Ito seryoso na! Ito ang tipo ng akda which will mark my existence, yung tipong pang classic section ng library. Now let me start.

1. Miss ko na ang boulevard. Ito ang naging bahay ko for the past 24 year of my existence. Di nga lang ako maka-uwi. I always end up at PAG-IBIG where I can sleep all day.

2. Gustong gusto kong kumain ng pizza pero wala na akog enough funds.

3. I really want to watch a movie pero walang time.

4. Every time I feel so depress, I tend to eat a lot and write non-sense like what I am doing now.

5. Nung nasa Dumaguete kami, I craved for chippy with chilly cane vinegar. Bumaba ako ng hotel and bought Red Chippy and Cane vinegar from a nearby store. I tend to get what I want most of the time but the things that matters most slips out of my grip.

6. Miss ko na sila mama, papa, dalawang kuya ko at kapatid kong babae. Halos ilang buwan na rin kasi kaming di nag sasama sa dinner table.

7. I want to go to school already but I am scared that I cannot keep up with the demands and lumabas na mas bobo ako compared to my classmates.

8. I am a little confuse kung saan ba ako pupunta after the effectivity date of my resignation. Actually wala talaga akong plans except to take the CPA review and pass the exam this May. So para sa mga taong may agam-agam kung saan ako lilipat ng work, wala po talaga akong lilipatan, tambay lang.

9. I want to write more often but I can't think of proper things to write about.

10. I am hungry again, maybe related to sa depression ko ulit. As I have mentioned sa number 4.

Sa araw na ito ang daming nangyari... marami pa ang magaganap. Inaasahan kong makakatulog ako ng mahimbing pero I doubt the possibilities. Dami ko pang dapat isipin at sana lang maging okay ang lahat. Gusto kong sipain ang mukha ko para mag ka injury, maglagay ng bawang sa ilalim ng kilikili ko para magka "pakiramdam-lagnat", wag kumain at ma pasma, magka sore eyes, magka chicken pox. Lahat lahat na basta lang mapanatili ko ang aking sarili sa bahay at wag ng lumabas pa. Pero teka, siguro bukas o next week kaya, wag muna ngayon. Kailagan ko pang mag trabaho. Sa ngayon, kontento na ako sa sampung perasong ako.

8.21.2010

Quick Updates

1. May agent ako~~~ Monday late siya, Tuesday absent siya, Wednesday late ng 30 minutes. To resolve the issue I decided to talk to her.

Me: Kung di ka absent late ka. May problema ba?
Agent: Wla naman Sir.
Me: Bukas wag kang aabsent or malalate kung di mapapatay kita.
Agent: Okay sir.

Kinabukasan sumakit ulo ko. Late akong pumasok sa office. Typically when I get into the office, I check my agents, floor walk kung baga. So I decided to check on her to see how things are going.

Me: O, Kumusta? Di ka na late?
Agent: I was 30 minutes early for my shift and you are very late.
Me: Futah with an F ka!

Pero natawa lang naman ako. Alam ko biro lang yun. :)

Lesson: Practice what you preach.

2. Umutang ako para sa isang kaibigang in need daw urgently ang money. Ako naman si Mr. Supportive na nakatangap ng Most helpful award nung kinder eh looked for a way to raise the money he needed. Ang gago, pinautang lang sa iba ang perang inutang sa akin na inutang ko lang din. Another Futah with an F!

Lesson: Lahat ng sobra masama. Kahit pa pagiging mabait ito.

3. Ito ang mga lessons na natutunan ko for the past few weeks na hindi ako nakapag blog.

"Matutong magpatawad kahit di nagsosorry ang may kasalanan. Kasi minsang di sapat ang sorry at walang makakapagpahilom ng sama ng loob mo."

"Maging passive kung kailangan. Stop worrying too much."

"Wag manloko ng tao kung ayaw mong maloko"

"Ang paghahambing sa sarili laban sa ibang tao ay mabuti lamang kung NEGATIBONG parte ng buhay ang paksa."

"Maging masaya ka araw-araw. Walang pakialam ang ibang tao kung malungkot ka. Ikaw ang talo kung di ka masaya wala kang bearing sa life ng iba"

"Minsan ang pag inom ng Red Horse mag-isa ay mabuting exercise para sa braso at spiritu"

"Hindi lahat ng masama ay masama."

"Ang pag-ibig ay parang swimming pool, nakakalunod. Kung ayaw mong makabasa ng iba, wag mag dive. Kung ayaw mong malunod dun ka lang sa mababaw. Kung di ka marunong lumangoy dun ka sa kiddies pool kung saan safe ka, di ka malulunod. Yun nga lang walang thrill, di masasanay sa lalim ng tubig at wala kang improvement."

4. Minsan kailangang maging masama ang ugali mo. Di naman to mahirap para sa akin. Sadya namang masama ang ugali ko.

5. Promise! susubukan kong magsulat ng mas madalas ngayon. Susubukan ko.

6. Tama pala... Nagbakasyon kami nila Juvy, Kokong, Rocky and Sandy sa Dumaguete. Nag side trip kami sa Siquijor pero kami nina Juvy at Kokong lang while Rocky and Sandy went to Baguio. This will require another entry... coming soon.

8.06.2010

Off to Dumaguete

Wheee... few hours from now we will be heading off to Dumaguete... amping hurot...!

7.10.2010

Thinking While I am Drunk

... Wish I have a drinking mate right here right now
... Wish that the show on TV is not MMK, it makes me sad even more
... Wish I have some one to talk to
... Wish I was not this sad
... To hell with wishes and what could have been
... Just a though while I am drunk

7.07.2010

Applying Facebook Rules

For social media marketers like us, facebook is the root of our career. We sleep and wake up according to facebook rules. We play by the admin rules and follow the admin standards of anti spamming. Here are some rules in facebook one should live by.

1.Do not add too many friends all at once or you will end up losing all of them. We might get too excited to start a new friendship or connection that we don't notice we are doing it beyond what is normal. So be safe with friend adding.

2.Accept friends who are REAL. Reject and restrict unwanted people into your personal space. Learn to say no.

3.If you have to engage in a marketing activity, create dummy accounts. The dummy accounts should have consistent information, reliable details and realistic facts. In this way, we get to engage in a marketing activity without jeopardizing our personal account.

4.Entertain, be creative, make your facebook space your own. Create a window of your life through facebook. Learn, teach, imagine, brag, be anyone you want to be but never use facebook as a space to belittle somebody or to show off something that is not and cannot happen. You may post shout outs but never ever mention or tag somebody out of anger. Don't fight with someone using facebook. You will create a circus and end up making fun of your self.

5.Lastly, keep all things private. Details should only be shown to friends and not to friends of friends who could be your enemy.

Facebook is supposed to be fun. Life as well is supposed to be fun. Why not let it serve its purpose?

6.21.2010

fireworks and wishes



Kung totoo na sa bawat wish sa ilalim ng blasting fireworks ,magkakatotoo ang lahat ng hiling ng isang tao, hindi sana ganito ka hirap ang lahat ng ito. Sana instant cure ang firecrakers sa bawat wish. Sana ganun kadali. Pero hindi eh.

6.20.2010

hard times

This is the reason why as much as possible, I try to avoid being here. Sabi nga nila, sa dinamidami ng choices ko bakit I prefer a more complicated and difficult path? I know I have an answer to this, a concrete and valid answer. One that convinced me for the longest time that I am right. I always think I am right but often I doubt my line of thinking. Still, every waking hour of my life feeling ko tama ako.

Oprah once said, "If it doesn't feel right, then it is not right". But what if feeling is not enough? What if feeling requires thinking? What if feeling and thinking pulls you to different directions? Who would prevail? Logic that dictates the society of what is right and wrong or your feeling that deviates from logic?

At the end I realized, I am a logical person. One who would rather choose to do what I think is right rather than let my feelings prevail. "I am a mind over heart person" I say to myself though my feeling tells me something else.

This is one of those days. I should be an expert on this, been through this many times before but it never seems to get easier every time I have to decide.

5.25.2010

Pag Ako Namatay...

Sa uri ng pamumuhay ko, di malayong maaga akong bibisita kay Lord. Alam ko tumayo ang balhibong kulot at patay nyo nung e mention ko na kay Lord ako bibisita. Hayaan nyo na po akong mag pantasya, ako naman ang mamamtay eh. Kung gusto nyo, kayo ang mamatay at kayo na rin ang mag blog.

May tatlong bagay akong gustong mangyari at ayaw mangyari pag ako namatay. Dito ko ilalahad ang mga bagay na yun. Kaya sa mga gusto na akong patayin at sa mga nagpadala ng death threat sa akin, para sa inyo to. Sana naman ay wag kayong masyadong brutal at hayaan nyo nang matupad ang mga gusto ko bago paman ako pag pyestahan ng mga earthworms. Consider this as my last wish.

Ito ang mga ayaw ko:

1. Ayaw kong mamatay dahil sa disgraysa lalo na sa sasakyan. Ayaw kong masagasaan ng jeep, kotse, truck, or arko sa prosisyon. Ayoko yung mamamatay na lang ako sasabihan pa akong tanga.

Tao 1: Oi, patay na si Adz
Tao 2: Talaga? Anong nangyari?
Tao 1: Nasagasaan ng Lawin na Jeep byaheng Toril.
TAo 2: Sayang. Di kasi nag-iingat eh.

Lumabas na ako ang tanga sa istorya diba. This is not a wise way to die.


2. Pag aattend kayo ng lamay ko, wag flowers dalhin nyo kasi di ako mahilig dun. Wag foods, kayo lang din kakain nun. Wag condolence, di lahat ng tao malungkot na patay na ako. Cash na lang kasi wala akong savings para sa aking pagkamatay. Masyado pa akong nageenjoy na buhay at di pa ako nakapaghanda para sa aking pagkamatay. Ang di susunod sa hiling na to ay susunod sa akin. HALAKA!


3. Wag na wag nyong sasabihing "Sayang si Adz, mabait pa naman yun". Ang plastik nyo. Please lang! patay na ang tao, wag nyo nang plastikin. Kung nung buhay pa ako ay di ko naririnig yan at puro panlilibak ang nasasambit nyo, wag nyo nang bawiin kasi patay na ako. Okay lang yan sa mga drug adik na nagbago, mga rapist na nagsisi at sa mga magnanakaw na nagpapako sa krus. Wag na ako, wala akong balak magbago, wala akong balak na magsisi at lalong wala akong balak na magpapako sa krus.


Ito ang gusto ko:

1. Mamatay na may danggal. Yung BIDA ako, yung tipong ako ang nagsalba sa mga tao. Yung talagang bida sa tunay na buhay. Example:

- May granada. Puputok na. Maraming tao. Nagkakagulo. Ako ang malapit sa granada. Dumapa ako sa granada. Patay ako, buhay lahat ng nasa paligid. Ganda ng eksena diba? pang Cannes Festival. Pang Cinemalaya. Pang pelikula. Pang teleserye.

- May mahuhulog na bakal. Bata ang tatamaan. Tatakbo ako at itutulak ang bata. Safe ang bata, patay ako. Bida ako, tanga ang magulang ng bata, di marunong mag alaga. What a noble way to die. To die for the sake of others.

Marami pa yan. Nasa isip ko lahat. Ayaw kong isulat lahat dito baka may gumaya.


2. Gusto ko party sa burol ko. Ayon sa isang taga TEAM HADZ, happy-happy, kompleto ang barkada, maaliwalas ang lugar, masarap ang foods. Tipong ganun. Parang nagteam building lang ang team ko. Tipong nagvivideo-oke lang kami nila Juvy at kokong with draft beer on the side habang bumibirit si kokong ng bed of roses. Walang iyakan para enjoy lahat. Minsan lang ako magpaparty. Una nung May 2 na birthday ko kinabukasan at sa susunod sa lamay ko. Galing noh? Bakit kamo? ang gastos kaya! Atleast sa burol ko lahat obligado magdala ng CASH. (Please refer to my ITO ANG MGA AYAW KO list item number 2)

3. Gusto ko maarte ang pagpapaalam ko. Maarte na di magastos. Ayoko ng simple libing na ilalagay ako sa hukay, may speech, tatapunan ako ng bulaklak, iiyak ang mga tao, tatabunan ako ng lupa, ipatutugtug ang hindi kita malilimutan, uuwi ang mga tao, maiiwan ang pamilya ko at malalapit na kaibigan, uulan at mababsa sila, di sila aalis hanggat di humuhupa ang ulan, uuwi sila na lumuluha at may sipon. Ang corny nun. Heto ang gusto kong eksena.

- Ilalagay ako sa balsa.
- Ipapaanod sa dagat ng Isla verde kung saan ako unang nalunod at muntik nang mamatay.
- Nakabalot ako sa puting tela.
- Habang lumalayo ang balsa, pinapana ako ng pana na may apoy sa dulo.
- Maswerte kung matatamaan ako ng pana na may apoy kung hindi malas ako kahit patay na.
- Para maiwasan ito, maghire kayo ng Philippine Team na archer. Ayokong umabot ako sa Talikod Island na di man lang napapaso. Please lang, ayusin nyo to.

Ito lang muna sa ngayon. Baka naman isipin nyong masyado akong demanding.

5.23.2010

Bakit Annoying Si Annoying Orange?

Sumikat si Annoying Orange sa team namin. Lahat sila, mula ng napanood ang annoying orange sa youtube ay naging annoying na rin. Paulit-ulit-ulit-ulit kung mag tanong. Pabalik-balik-balik-balik ang mga statement. Nakakainis, nakakainis, nakakainis talaga. Ganyan sila ka annoying.

Bakit nga ba annoying si annoying orange?

Nagtext si Annoying orange sa akin kagabi habang bumibirit ako ng kantang Mandy para di makainom ng isang damakmak na beer. Pinag igihan ko ang pagkanta pero nawala ako sa concentration kasi na awa ako kay annoying orange. Heto ang kwento nya.

Mabuting asawa si Annoying orange nung di pa siya annoying. Magpagbigay sa pamilya, hardworking at malinis sa katawan. Isang araw galing sa trabaho nadatnan niya ang bahay nila na walang tao at nagkalat ang damit ng kanyang asawa.


Pumasok siya sa kwarto at nadatnan niya ang kanyang asawa sa piling ng kanyang matalik na kaibigang si Flirt Banana. Hubot hubad sa kama nilang mag asawa.


Dahil sa sobrang galit. Inaway niya at halos mapatay ang dalawang taksil.

Naglayas si annoying orange at nagpunta sa kanyang mga kaibigan para magpalabas ng galit.


Doon niya sinubukang mag yosi.

Doon siya natutung uminon.

At maglasing.
At maging Annoying Orange.

to blog or not to blog

I’ve been out from the blogsphere for more than a month. I don’t know why I can find the right words to say the things I wanted to say. So many things had transpired which were “bloggable” as I call it but words just wouldn’t come. Saying the right things sometimes is really difficult. I wanted to share so many things but I was so worried of saying it the wrong way till I forgot it already.

Wish I could promise to blog regularly but I can't. I’ve got to get my grove back.

3.30.2010

Lagnat at Beer

Sobrang sakit ng ulo ko. Sabi nila, pagiisip daw ito. Ayoko ng magisip kung ganon. Masyadong stressful, masyadong EFFORTFUL di naman fruitful.(bwahahahha) May lagnat ako for three consecutive days. Sobrang sakit ng ulo ko, I was chilling all night and day and I easily get tired. Sa sobrang talino ko, naniwala pa ako sa mga kasama ko na beer daw ang sagot sa lagnat ko. See? Nag-iisip pa ako nyan ha! Tatlong araw akong lampa at walang silbi. Opo, three days akong unproductive. Kaya magsusulat na lang ako ng mga kababawan ngayon. Kababawan at hinanakit sa mga taong wala naman talagang bearing sa life ko pero gusto ko lang gawan ng issue.


1.Sa Taong ayaw ko kahit wala naman talagang ginagawa sa akin:
- Wag mo nang subukang halikan ang pwet ko. Galit ako sayo at di na magbabago yun. Di ko alam kung ano at bakit ayaw na ayaw ko sa pagmumukha mo basta ang alam ko ayoko lang talaga.

2.Sa taong dapat kong kalimutan:
- Bigyan mo ko ng konti lang namang panahon na maunawaan kung gaano kahirap at kalaki ng epekto sa buhay ko ang tangalin ka sa listahan ng mga taong mahalaga sa akin. Sa iilang beses na magkasama tayo, OO! Napatawa at napasaya mo ako. Sana lang naman makaramdan ako ng konting pagdududa at panghihinayang na di kana ganon ka halaga sa akin. Sana lang naman, di ako ganito ka sigurado na di nga kita kailangan.

3.Para kay P. A. at mga kasapi niya:
- Kung nagkatawang tao si Satanas, malamang ikaw yun. Medyo sigurado na ako na ikaw nga ang anak ng Dyablo na nag anyong tao para maghasik ng lagim sa sangkatauhan. Ang hilig mong angkinin ang paruri pero ayaw mong tangapin ang critisismo. Sa dami ng ginagawa mo, di mo napapansin na wala kang ginagawa. Wag kang mag alala, di ko ipapakita sa iyo ang anyong Lucifer ko dahil kung nagka ganon wala na tayong pinag iba.

4.Para sa kanya:
- May mga bagay na ang gara subukan. Parang pagsakay sa SEA DRAGON ng MARYROSE, ang sarap panoorin pero nakakahilo pag actual na andun kana sa ride. Yung tipong gusto mo lang subukan kahit alam mo nakakatakot. Gusto mong alamin ang feeling na naka upo ka sa lugar kung saan ang daming sumisigaw at tumatawa. Yung tipong gusto mo nang ipatigil ang ride pero ayaw mong sabihin ng malakas kasi akala mo kaya mo pa at bago mo pa naibulalas na ayaw mo na nga, naunahan kana ng operator. “Your 5 minute fun ride is up”. FUN nga ba siya? Hindi ba nasayang ang panahon mo? Yang ang mga tanong na ayaw mong sagutin kasi ayaw mong malaman ang sagot. Alam ko, kasi ayaw ko ring malaman yan sa ngayon.

3.20.2010

GRAND ESSENTIALS of happiness

The Grand essentials of happiness are: something to do, something to love, and something to hope for.
Allan K. Chalmers

Here is my answer to those who are questioning my smile. I think I have all the GRAND ESSENTIALS of happiness. I couldn't ask for more in this life and if given a chance to do things all over again, I would still choose to live the life I am living right now (plus a little addition).

Heto ang mga dahilan kung balik maaliwalas ang ngiti ng inyong abang lingkod:


SOMETHING TO DO:

Sa dami ng dapat at pwede kong gawin, di nakapagtatakang masaya ako. Minsang nga lang nagiging dahilan siya for me to feel otherwise but still it gives me a reason to wake up early and sleep late. So, being busy is not a bad idea after all. With my job, friends to keep up with, up coming schooling and a family to take care off, I have my hands full. But they are the reason for my living and being. Masaya ako na may ginagawa ako for the people I care the most.

Sa isang interview:

Panel: What can you do for the community?
Me: Love the people around me. My family and friends.
Panel: Could you please explain.
Me: I think it is more noble to love the people around you than to embrace the whole world. Taking care of them is SOMETHING I should do. If I can't show my care and love to those who made me who I am now, I think I wouldn't be able to do it to the whole world.
Panel: The award goes to you! (lol)


SOMETHING TO LOVE:

Di kailangan romantic ang usapan pag love ang topic. Minsan okay na tayo sa tawa with family, kulitan with friends, biruan with your team, idle times sa work, food trip, movie marathon. Pero OPO, masaya ako na may bonus ako sa buhay. Di kailangang kapantay nang expectation mo ang pagmamahal na natatangap mo, at least may dahilan para tumawa ka mag isa, ang ngumiti sa simpleng text message at pangungumusta. Tama na yun para sa akin. Tama na ang isang IKAW.


SOMETHING TO HOPE FOR:

Marami akong gustong gawin, marami akong gustong tapusin. Sa dami ng dapat at hindi dapat para sa akin nalilito pa ako kung ano ang next move. Nagiisip ako kung dapat ba, kelan ba at kung tama ba. Sa ngayon, masaya ako kasi alam ko may pupuntahan ang lahat ng ito.

3.12.2010

Wala Lang

Minsang pag wala kang magawa sa buhay...
Trip mo lang kunan ng litrato lahat ng bagay...
Gusto mo bigyan ng halaga lahat ng pwede mong bigyan ng halaga...
Lahat may quotes...
Lahat may meaning...
Kahit simpleng bato nagkakabuhay...
Kahit simpleng tula parang sobrang profound na ng meaning...
Kahit twinkle-twinkle lang may puso at diwa na...

Di ko alam kung bakit parang high ako sa drugs this past few days...
For no particular reason... masaya ako...
Pagod man at medyo puyat...
Di matatagong medyo iba na ligaw ng bituka ko...
Am I just excited to go back to school?
or Am I just happy to have finally made a decision about the career path I would like to take?
I don't know... basta alam ko OKAY ako...
Di ko kailangang malaman ang ibang bagay...
OKAY na ako sa ganito ka simple lang...

Note:

Alam ko walang kinalaman ang picture sa taas sa entry na ito. Yan kasi ang bagong profile picture ko sa facebook. Wala ring kinalaman ang quote sa picture to the picture itself. Basta parang wala lang talaga.

"Do you know that "wala lang" is a subconscious way of saying I LOVE YOU? Do you know why I am telling you this? WALA LANG" -----(whahahahah... soooo 2nd year high school)

To Jinkie and all the Pink house Complications

You have the ability to lure people with your tempting smile and charisma. You know you are smart, sexy, rich and beautiful (I am being paid to say this) but you lack the ability to choose the right kind of relationship to step into. You have this innate magnet for the wrong people at the wrong place and time. Everything in you is so aligned but when it comes to matters of the heart you often fail to see logic.

Falling and wishing you never did is a cycle in your system. You jump into every relationship and wish you never did. Every time you fall, you fall literally and every time it happens you hurt your ass and still ask for more. I say you are sadistic. You like hurting your self every time you see an opportunity. You walk into a blank wall and bump your head right into the dashboard that is supposed to protect you from getting another bruise. Stupid as it may seem, you like scratching the wound to make it bleed one more time and when it starts to bleed you panic. But after all has been said and done you start all over again.

You want a piece of me?

- Love yourself. It is not so difficult to ask.
- Live an uncomplicated life. You need thrill once in a while but it doesn't make sense if you are living a life of fear.
- If a relationship has to be a secret then you shouldn't be on it.
- Live life, love, laugh and be merry. You don't need sorrow to stay alive.


3.10.2010

End of Hiatus

After a long Hiatus I have finally decided to get back to blogging. I know I have not been able to post anything since December of 2009 but I promise to catch up for the lost moments. Just an update.

- I am now working full time for the call center handling a non voice account on social media and Internet marketing. From accounting to call center, how is that for a career change?

- So many things had happened after my last post. Met new people, had new friends, built a new team, been sleeping here and there (literally, just sleeping). It was a roller coaster ride. Short, adventurous and fun but I bowed never to take the same flight again. Not just yet... not sooner.

- I feel so tired and stressed. I feel the need to rant about everything for the sake of ranting about it. I feel like punching someones face till their nose break. I feel like smashing the plates and plastic wares at home. But I feel so tired to do all those things I'd rather sleep.

- New opportunities are coming my way and I have to make a decision fast.

- I might enroll for my Masters this semester. Choosing between MBA Corporate Management (USEP) of Masters in Management (UP Mindanao). What you think?