5.25.2010

Pag Ako Namatay...

Sa uri ng pamumuhay ko, di malayong maaga akong bibisita kay Lord. Alam ko tumayo ang balhibong kulot at patay nyo nung e mention ko na kay Lord ako bibisita. Hayaan nyo na po akong mag pantasya, ako naman ang mamamtay eh. Kung gusto nyo, kayo ang mamatay at kayo na rin ang mag blog.

May tatlong bagay akong gustong mangyari at ayaw mangyari pag ako namatay. Dito ko ilalahad ang mga bagay na yun. Kaya sa mga gusto na akong patayin at sa mga nagpadala ng death threat sa akin, para sa inyo to. Sana naman ay wag kayong masyadong brutal at hayaan nyo nang matupad ang mga gusto ko bago paman ako pag pyestahan ng mga earthworms. Consider this as my last wish.

Ito ang mga ayaw ko:

1. Ayaw kong mamatay dahil sa disgraysa lalo na sa sasakyan. Ayaw kong masagasaan ng jeep, kotse, truck, or arko sa prosisyon. Ayoko yung mamamatay na lang ako sasabihan pa akong tanga.

Tao 1: Oi, patay na si Adz
Tao 2: Talaga? Anong nangyari?
Tao 1: Nasagasaan ng Lawin na Jeep byaheng Toril.
TAo 2: Sayang. Di kasi nag-iingat eh.

Lumabas na ako ang tanga sa istorya diba. This is not a wise way to die.


2. Pag aattend kayo ng lamay ko, wag flowers dalhin nyo kasi di ako mahilig dun. Wag foods, kayo lang din kakain nun. Wag condolence, di lahat ng tao malungkot na patay na ako. Cash na lang kasi wala akong savings para sa aking pagkamatay. Masyado pa akong nageenjoy na buhay at di pa ako nakapaghanda para sa aking pagkamatay. Ang di susunod sa hiling na to ay susunod sa akin. HALAKA!


3. Wag na wag nyong sasabihing "Sayang si Adz, mabait pa naman yun". Ang plastik nyo. Please lang! patay na ang tao, wag nyo nang plastikin. Kung nung buhay pa ako ay di ko naririnig yan at puro panlilibak ang nasasambit nyo, wag nyo nang bawiin kasi patay na ako. Okay lang yan sa mga drug adik na nagbago, mga rapist na nagsisi at sa mga magnanakaw na nagpapako sa krus. Wag na ako, wala akong balak magbago, wala akong balak na magsisi at lalong wala akong balak na magpapako sa krus.


Ito ang gusto ko:

1. Mamatay na may danggal. Yung BIDA ako, yung tipong ako ang nagsalba sa mga tao. Yung talagang bida sa tunay na buhay. Example:

- May granada. Puputok na. Maraming tao. Nagkakagulo. Ako ang malapit sa granada. Dumapa ako sa granada. Patay ako, buhay lahat ng nasa paligid. Ganda ng eksena diba? pang Cannes Festival. Pang Cinemalaya. Pang pelikula. Pang teleserye.

- May mahuhulog na bakal. Bata ang tatamaan. Tatakbo ako at itutulak ang bata. Safe ang bata, patay ako. Bida ako, tanga ang magulang ng bata, di marunong mag alaga. What a noble way to die. To die for the sake of others.

Marami pa yan. Nasa isip ko lahat. Ayaw kong isulat lahat dito baka may gumaya.


2. Gusto ko party sa burol ko. Ayon sa isang taga TEAM HADZ, happy-happy, kompleto ang barkada, maaliwalas ang lugar, masarap ang foods. Tipong ganun. Parang nagteam building lang ang team ko. Tipong nagvivideo-oke lang kami nila Juvy at kokong with draft beer on the side habang bumibirit si kokong ng bed of roses. Walang iyakan para enjoy lahat. Minsan lang ako magpaparty. Una nung May 2 na birthday ko kinabukasan at sa susunod sa lamay ko. Galing noh? Bakit kamo? ang gastos kaya! Atleast sa burol ko lahat obligado magdala ng CASH. (Please refer to my ITO ANG MGA AYAW KO list item number 2)

3. Gusto ko maarte ang pagpapaalam ko. Maarte na di magastos. Ayoko ng simple libing na ilalagay ako sa hukay, may speech, tatapunan ako ng bulaklak, iiyak ang mga tao, tatabunan ako ng lupa, ipatutugtug ang hindi kita malilimutan, uuwi ang mga tao, maiiwan ang pamilya ko at malalapit na kaibigan, uulan at mababsa sila, di sila aalis hanggat di humuhupa ang ulan, uuwi sila na lumuluha at may sipon. Ang corny nun. Heto ang gusto kong eksena.

- Ilalagay ako sa balsa.
- Ipapaanod sa dagat ng Isla verde kung saan ako unang nalunod at muntik nang mamatay.
- Nakabalot ako sa puting tela.
- Habang lumalayo ang balsa, pinapana ako ng pana na may apoy sa dulo.
- Maswerte kung matatamaan ako ng pana na may apoy kung hindi malas ako kahit patay na.
- Para maiwasan ito, maghire kayo ng Philippine Team na archer. Ayokong umabot ako sa Talikod Island na di man lang napapaso. Please lang, ayusin nyo to.

Ito lang muna sa ngayon. Baka naman isipin nyong masyado akong demanding.

5.23.2010

Bakit Annoying Si Annoying Orange?

Sumikat si Annoying Orange sa team namin. Lahat sila, mula ng napanood ang annoying orange sa youtube ay naging annoying na rin. Paulit-ulit-ulit-ulit kung mag tanong. Pabalik-balik-balik-balik ang mga statement. Nakakainis, nakakainis, nakakainis talaga. Ganyan sila ka annoying.

Bakit nga ba annoying si annoying orange?

Nagtext si Annoying orange sa akin kagabi habang bumibirit ako ng kantang Mandy para di makainom ng isang damakmak na beer. Pinag igihan ko ang pagkanta pero nawala ako sa concentration kasi na awa ako kay annoying orange. Heto ang kwento nya.

Mabuting asawa si Annoying orange nung di pa siya annoying. Magpagbigay sa pamilya, hardworking at malinis sa katawan. Isang araw galing sa trabaho nadatnan niya ang bahay nila na walang tao at nagkalat ang damit ng kanyang asawa.


Pumasok siya sa kwarto at nadatnan niya ang kanyang asawa sa piling ng kanyang matalik na kaibigang si Flirt Banana. Hubot hubad sa kama nilang mag asawa.


Dahil sa sobrang galit. Inaway niya at halos mapatay ang dalawang taksil.

Naglayas si annoying orange at nagpunta sa kanyang mga kaibigan para magpalabas ng galit.


Doon niya sinubukang mag yosi.

Doon siya natutung uminon.

At maglasing.
At maging Annoying Orange.

to blog or not to blog

I’ve been out from the blogsphere for more than a month. I don’t know why I can find the right words to say the things I wanted to say. So many things had transpired which were “bloggable” as I call it but words just wouldn’t come. Saying the right things sometimes is really difficult. I wanted to share so many things but I was so worried of saying it the wrong way till I forgot it already.

Wish I could promise to blog regularly but I can't. I’ve got to get my grove back.