2.19.2011

Byahe Kung Saan…

Minsan gusto mong lumayo at huwag tumigil dito. Dito kong saan lahat ay parang isang déjà vu nang mga nag daang panahon. Pilitin mo mang lumayo bumabalik ka pa rin kung saan ka nasasaktan at nahihirapan. Isang di mapagpalayang karanasan na di mo alam kung bakit pilit-pilit mong binabalikan at dinadama.


Gusto mong maghanap nang kausap kaya binahagi mo ang buhay mo sa taong bingi. Humingi nang payo sa taong pipi kasi di mo na alam ang gagawin. Naghanap nang sagot at deriksyon sa taong bulag na ni minsan ay di nasilayan ang sikat ng araw. Nagbakasaling i-abot sa iyo ng taong putol ang kamay ang gusto mong maabot at turuan kang mag lakad sa tamang daan ng taong lumpo. 


Mali-mali ang lahat ng desisyon at tinahak na landas. Di man tama, heto tayo dinadama ang bawat tibok at pintig ng puso. Parang roller coaster na nakakahilo man ang pagsakay, isang katotohanan na alam mo na kahit di mo pa nadarama, susubukan mo parin. At kahit ngayong alam mo na ano ang pakiramdam, babalik at babalik ka parin para ma tikman ang muling pag byahe kung saan.